Ito ang magiging opisyal na blog natin sa Filipino 110 (Masining na Pagpapahayag).
Sa pagpo-post ng iyong comment, ang kinakailangan lamang ninyong ilagay ay ang mga sumusunod:
1. Ang iyong mensahe.
2. Sa ibaba ng iyong mensahe ay ang iyong buong pangalan at seksyon.
Tandaan: Nilikha ang blog na ito upang magamit sa isang pang-akademikong gawain, mariing ipinagbabawal ang pagpo-post ng mga salitang makasasakit ng damdamin ng inyong mga kaklase.
Para sa una ninyong gawain, i-comment sa blog na ito ang MAIKLING PAGPAPAKILALA SA INYONG MGA SARILI. Isa ito sa mga nakikita kong paraan upang magkakila-kilala tayong mabuti.
Ikinagagalak kong makilala kayong lahat, BSIT2-1, BSIT2-3, ABDC2-2, BSED2-5 at BSED2-6!
Sir Jayson =)